Ceremonial Turnover of 333 Housing Units in Disiplina Village Arkong Bato Valenzuela City (Speech)
Maraming salamat sa ating uh human settlements and urban development secretary, Secretary Jose Ramon Aliling, National Housing Authority General Manager Jo Bentay, Valenzuela First District Representative Kenneth Gatalyan Valenzuela Second District Representative Gerald Galang, Valenzuela City Mayor West Galan to all beneficiaries of the government housing program. My fellow workers in government, distinguished guests, ladies and gentlemen, magandang araw po sa inyong lahat. [palakpakan] Nasisihan po ako na makasama ang ating mga kababayan dito sa Valenzuela lalo na at ang pagtitipon natin ngayon ay inaasahan maghahatid ng ngiti at higit na kapanatagan sa inyong mga pamilya. Ngayong araw, formal nating itine-turnover ang higit sa 33 housing unit para sa ating mga benepisyaro. Hindi naman kaila na isa sa mga problema na kinakaharap natin ay ah ngayon ay ang sunod-sunod ng pag-ulan at ang pagbaha. Sa tuwing may ganitong panganib, tahanan ang unang nating inaasahan masisilungan. Dito dapat ligtas ang ating mga anak. Dito dapat tayo nakakapagpahinga ng walang pangamba. Ngunit para sa maraming pamilyang nakatira sa danger zone, ang tahanan mismo ang nalalagay sa panganib. Sa tuwing masama ang panahon, nag-aalala sila para sa kanilang pamilya, kagamitan at kaligtasan. Kaya mahalagang mabigyan natin ang mga pamilyang ito ng pagkakataong makalipat sa isang komunidad na mas ligtas para sa kanilang mga pamilya. Dito sa Barangay Arkong Bato, itinayo ang Displina Village. Ito po ay bahagi ng ating relocation program para sa mga informal settler families kabilang ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na madalas bahaulahan River. Binubuo ang proyektong ito ng limang yugto na patuloy nating isinusulong at kinukumpleto upang mas marami pang pamilya ang makinabang. At ngayon isa na namang mahalagang bahagi ng proyektong ito ang ating nasasak naitupad sa turnover ng mga housing unit na ito. Bukod sa seguridad ng isang maayos na kabahayan, ang isa pang maganda sa proyektong ito ay malapit ito sa mga paaralan at mga pagamutan. Mas madali para sa mga bata ang makapag-aral at para sa mga pamilya na masiguro ang kanilang mga kalusugan. Kaya sa ating mga pamilyang benepisyaro, congratulations po sa inyong lahat. [palakpakan] Inaasahan ko po na ito ay simula ng pagbuo ninyo sa mga masasayang ala-ala ng inyong pamilya. Nawa, sa mga tahanan na ito ay mapalaki ninyo ng maayos ang inyong mga anak at maipagpapatuloy ang mga pangarap na matagal na ninyong pinagsisikapang abutin. Tinawag itong disiplina village. Kaya umaasa tayo na sama-sama rin ninyong pangangalagaan ang inyong bagong komunidad. Bukod sa proyektong ito, halos anim na libong pabahay mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo nitong taon. ang nagawa ng inyong pamahalaan upang magkaroon ng sariling bahay ang ating mga kababayan sa ilalim ng iba't ibang programa ng pamahalaan. Kasama sa programang ito ang expanded 4 PH program ng DISUD at sa tulong na rin ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng National Housing Authority, Social Housing Finance Corporation, Home Development Mutual Fund o Pag-IBI Fund at National Home Mortgage Finance Corporation. Gaya ng sinabi ko nung nakaraang sona, puspusan nating pinupuno ang kakulangan sa pabahay sa buong bansa. Asahan ninyo na patuloy na magtutulungan ang pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan, mga komunidad at ang ating mga katuwang na pribadong sektor upang maipagpatuloy ang marami pang programa sa pabahay na tulad na ganito. sa ilalim ng bagong Pilipinas. Ating tinitiyak na ang pag-unlad ay nararamdaman sa pangaraw-araw na buhay ng ating mga kababayan at nagsisimula yon sa pagkakaroon ng isang tahanang ligtas, matibay at matatawag ninyong inyo. Muli, congratulations po sa inyong lahat. Welcome home. Maraming salamat. Mabuhay po kayo. Mabuhay ang bagong Pilipinas.